PRINSIPYO. heavy duty and salitang ito. sobrang bigat hindi ko kinaya ang super kadufer powers niya. Isa akong robot na sunud-sunuran sa kagustuhan ng malupit niyang mga kamay. Minamanipula niya ang utak kong kahit anong dunong ay nagiging tanga. Binabaliktad ang tama ginagawang mali; ginagawang tama ang dapat ay mali.
Kaya naman I always succumb to him. Ano naman kasing ipanglalaban ko sa mga lubid na nakapalibot sa wrists ko?
Pero ano nga ba talaga ang kahuluguhan ng salitang ito? Karapat-dapat nga ba siyang iluklok sa pedestal? Gawing hari o reyna ng mundo mong walang ayos. Chaotic. Tas prinsipyo. Oha.
Hindi ka mapapakain ng prinsipyo..ang sabi nga ng ilan. Pero kaya nitong itaguyod ang iyong pagkatao. It can raise your character to such height. Be admired by many. Be their idol. At balang araw, huwaran sa lahat ng confused.
Tama masya yun. Ngunit subalit datapwat. Hindi iyon ang realidad. Me FUCKING norm. At si FUCKING norm ang namamayani sa lipunang puno ng hipokrito. Si FUCKING norm ang nag-uutos sa lahat na magpaalipin at maging sunud-sunuran kahit mayurakan ang iyong pagkatao.
At si FUCKING norm din ang nagpapahina sa karamihan ngayon.
Edi fuck you norm! Pero hindi madali iyon. Well madaling isulat at sabihin, pero you cannot deny the fact, norm is still norm man.
Kung ang ulam ay tuyo at trip mo ay kaldereta, ipagpipilitan mo ba ang gusto mo e sa iyon na ang nakahain? PWEDE naman talaga. Punta kang karinderya tas bumili ng isang order, swak!O diba nasunod ang prinsipyo mo na masunod ang nilalaman ng damdamin mo.
At sana nga ganito kadali manindigan ng prinsipyo sa totoong buhay.
Sa bagay journalism student ako. At naninindigan ang bawat peryodista.
So mabalik kay prinsipyo. Madaming nagtatanong kung tama bang idisregard nalang siya o sundin. Sa mundong puno ng hipokrito’t sinungaling at mapang-api, dapat bang itago nalang si prinsipyo sa bag at pikit-matang gumapang sa lupa?
Para sa akin. hindi. You should learn how to fight. Cause at the end of the day money and fame are material things. Pag nalaman ba ng uod na milyonaryo ka at makapangyarihan, hindi ka ba nya kakainin? INSANE!
Siguro nga sa hirap ng buhay hindi na praktikal si prinsipyo. At ang sunurin siya means death or near…STARVATION. Eto lang siguro masasabi ko. PAG GUSTO ME PARAAN, AYAW ME DAHILAN. madaming paraan para hindi magutom. At maraming dahilan para tamarin maghanap ng paraan.
May pagsisisihan nga ba ako? Tamang wala. Walang pakundangan kong susundin si PRINSIPYO. There’s always a silver lining. My whole life just began.
e pano kung sinunod ko that which i am not proud of? Nor happy about? Di ba mas curse yon?
No comments:
Post a Comment